iba!!

Simula pa lang sa pagkasilang ng tao, batid na natin ang malaking kaibahan ng lalaki at babae. Pero sinu ba naman ang mag-aakala na mula sa simpleng kaibahan ng hubad na katawan ng babae at lalaki ay may mga lilitaw pa silang mga kaibahan. Simula sa kataas-taasan ng tao na kung tawagin ay buhok. Bakit kadalasan ay babae lang ang may mahabang buhok? Bakit kaya kadalasan ay pinagbabawalan ang mga lalaki na magpahaba ng kanilang mga buhok? Ee hindi naman nakasaad sa bibliya na ang mga babae lang ang talagang dapat magpahaba ng buhok diba? Dahil sa nakasanayang ugali na ito ay nagmumukha tuloy masagwa sa paningin ng lahat ng babaeng maikli ang buhok(tila ba gupit ng lalaki) at ang mga lalaki na pagkahaba-haba ng buhok.

Isa pang kapansin-pansin ay ang pagsusuot ng hikaw. kapag ang babae ang naghikaw ay ayus lang, bagay, ang ganda! Pero kapag ang lalaki na ang naghikaw, nako! kung hindi ka pagkakamalang bading, malamang ay magmumukha ka namang adik sa mata ng karamihan.
Iilan lang yan sa mga pagkakaiba ng mha lalaki at mga babae. Kung ikaw ay magmamasid ng mabuti, mapapansin mo din ang sangkatutak na bagay na tila ba kapag pinagpalit ng babae at lalaki ay malamang, pati si MOTHER NATURE ay matawa sa kasagwaan na kanyang makikita. Sa t-shirt, nandiyan ang maluwang para sa mga babae at fitted naman para sa mga babae. Sa pantalon ay ganun din ang lagay. Sa sapatos, high heels sa mga babae at flat naman para sa mga lalaki. Sa mga bag, shoulder bag sa mga babae at back pack at sa mga lalaki.
Pati sa mga gamit ba pagkasimple-simple ay mapapansin ang mga ganyang bagay. Cellphone case ng mga lalaki ay may design na skull, kumpara sa pink na gamit ng mga babae na may kung anu-anung pampabigat pa. Tsinelas ng mga lalaki, napakasimple, pero pag nakita mo ang sa babae ay baka masilaw ka pa sa mga nakalagay na pekeng dyamante.

O diba? Ibang-iba talaga ang lalaki sa babae. Hindi lang sa katawan, pananamit at gamit nagkakaiba yang mga yan. maoobserbahan din at mapag-iisip-isip na madami din silang pagkakaiba sa ina’t-ibang larangan kagaya na lamang ng sports, kung saan tila mas nakakaangat ang mga lalaki dahil kahit na sabihin pa na ang mga sports ng mga lalaki ay nagagawa na ng mga lalaki ay nagagawa na din ng mga babae, hindi pa din nila ito talagang matapatan. Sa larangan naman ng medisina ay parang mas bagay ng mga babae ang pagiging nurse dahil sa mas magaling silang mag-alaga. Sa relihiyon naman ay mas madami ang mga pari dahil sila daw ang nagrerepresent kay KRISTO sa loob ng simbahan. Napakarami pang mga bagay na tungkol sa pagkakaiba ng mga lalaki at babae dito sa mundo na kapag napagtanto at napag-isip-isip ng isang tao ay mapapatanong at maaaring magtaka na lang siya. Mapapaisip siya na, oo nga no? iba pala. Anu kayang mangyayari kapag ang mga kaobahang nabanggit ay biglang pagpalitin? Diba’t talaga namang napakasagwa kung iisipin?

Tayo ay masyado ng nasanay at napako sa kasalukuyang porma ng mundo. Hindi na natin kailanman mababago ang katotohanan na FOR BOYS ay FOR BOYS at FOR GIRLS ay FOR GIRLS na kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo ay ‘di pwedeng ang lahat ng mga para sa mga babae ay pwede rin sa lalaki at vise versa. Maaring may mga iilang bagay na nakakapagpagulo sa atin kung para ba sa lalaki o para sa babae pero di pa rin sapat mababago nun ang mundo. Basta ang payo ko para mawala o mabawasan man lamang ang ating pagkalito ay. . . . just ride with the flow. ^^
-MALONZO REX CYRIL N.
BS MATH_CS 1A
