NEW WORLD
Oooh! gosh!!
Nakakita ko ng mga tao, ahmmm… parang kilala ko. Hindi! Tama ba nakikita ko? mga kaibigan ko yun! Mga mapoporma at astig kong kaibigan. Ang mga taong hindi nahuhuli sa pinakasikat na fashion statement. Pero teka lang, bakit ganito? Sila nga ba ang nakikita ko?
Kinusot ko ang aking mata para matiyak na hindi ako nagkakamali. Subalit nagulat ako ng malaman kong sila nga iyon. Lumapit ako, nabigla ako nang nagkahagikgikan sila. Nagtanung ako kung bakit, sabi ng isa, “Anong klasing style meron ka?” Napanganga nalang ako, hindi ba’t ako dapat ang nagtanung noon? Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago ang rotation ng earth. Nagpalit na ba ang mundo? Ang sun na ba ang umiikot sa mundo? haaay… baka nga nasa mars na ko at marsian lang ang mga kasama ko. Pero kahit ano isipin ko, totoo. Nandito ako sa earth na nagrerevolve kaya nagkakaroon ng 1 year.
Back to their style… nang hindi na ako makatiis nagtanung ako, “Ha? Anung mali sa damit ko? Dapat nga ako ang magtaka sa pananamit niyo.” Mas nashock ako sa reaksyon nila. Taas kilay sabay sabing, “Hello! Girl! Kaw ba yan? Para kang alien from outer space. This is the kikay statement of the year.” Napa, “wwwhhhhaaaaattt?” nalang ako. Di ko matake!
Nakakita ako ng boy, yup, boy. Ang napakacute kong crush. Boy siya kasi naman baby face talaga. Take note… lalaki ito, at certified playboy. Napakunot-noo ako, ang campus crush nakaskirt? Oh s***! eeeewwww…. kakaturn off! Pero, ang mga kaibigan ko, todo pacute pa!
nagtanung ako, “Kasama ba ang papa ssa campus trip?” (TRIP as in KALOKOHAN) Ang reply nila, “Are you crazy? Yan kaya ang pinaka-hot na style na nakita ko.” Napa, “Oh no, what is happening to my mother earth, epekto na ba ‘to ng global warming? Kaya pati mga style nagbabago?” at di ko akalain nakatingin na pala sa akin ang people of the world dahil sa damit ko. “I can’t take this anyyyymmmoooore!”
Doon, doon nagtatapos ang napakachenes na istorya. Well naisip ko lang naman ang mga bagay na yan kung ganyan nga ba magiging reaaksyon ko kung sakaling mangyari nga…..gets ba? sarap pala maglikha ng mga images sa mind… Laking pasalamat ko hanggang isip ko lang.. Imagine isang kislap mata bumaligtad lahat. Ang damit ng girls sinuot ng maskulados, at maskulados style ginamit ng kikays?
Isa lang masasabi ko, isang sentence… HIndi ko kakayanin na ang mga bagay bagay ay mawala sa ayos. Kaya gals and pals let’s make it right. Girls bling-blings are for girls and boys things are for boys. NO MORE NO LESS!
i thank you…..
MICHAELA MARIE SANCHEZ
BSM_CS IA









