ang mga ALAALA…

Hindi natin masasabimg girls are like boys, hindi rin namang boys are like girls dahil may kanya kanya tayong identity bilang isang tao. Hindi rin namang boys are over girls kahit na ang babae ay hinugot lang sa tadyang ng mga lalaki di rin dahil laging una ang boys sa class record ng mga teacher. Hindi rin naman girls are over boys kahit na sabihin 16230_blue_boy_wearing_a_hat_and_carrying_a_backpack_standing_beside_a_blond_blue_girl_in_a_dress_who_is_also_carrying_a_backpack_and_holding_her_hand_nating may mga lalaking tinatawag na ‘under-the-saya’. Lahat naman tayo may karapatang mabuhay ayon sa nais natin.

Sabihin na nating nagbago na ang mundo dahil sa technological advancements at pati na rin dahil sa climate change ngunit hindi natin maikakaila na hindi pa rin nagbabago ang pananaw ng mga tao sa sekswalidad ng isang indibidwal. Speaking of climate change, bakit kaya tinaob sa lakas ng bagyong Ondoy at Pepeng ang ating bansang Pilipinas? Bakit nga ba? Hindi ko rin alam kung bakit.

ist2_566629-teen-boy-with-long-hairBigla ko tuoy naalala yung lalaking nakasabay ko sa jeep nang minsang papunta ako sa Longos, Malolos. Hindi ko makalimutan yung dala nyang shoulder bag na pink na sobrang nagandahan ako. Minsan din naman nang pauwi na ko galing school, may nakasabay naman akong dalawang lalaking macho. Nagulat ako ng bigla silang magholding hands at magsandalan, mayron pa ngang punasan ng pawis at dukutan sa bulsa. Hindi ko sila maiwasang tignan, mag-isa lang ako non kaya no comment na lang ako. Naalala ko tuloy  yung dati kong classmates. May mga oras kapag nagkakatuwaan kami, iba’t ibang kalokohan ang ginagawa namin. Kapag nagkakaron ng stage play sa klase namin, madalas naming pinapalitan ang role ng babae at lalaki.Yung para sa role ng lalaki, babae ang gumaganap at lalaki naman ang gumganap sa role na para sa babae. Kapag araw na ng play, nagmumukhang babae ang mga lalaki at ang mga babae naman ay mukhang lalaki. May mga lalaking nagsusuot ng high heels na sandals, daster, dress, may mga nag-iipit, nagheheadband, nagpapalda, nagmemake-up at kung anu-anong paraan ang ginagawa upang mag mukhang babae. Ang mga babae naman ay naglalagay ng bigote, pinagmumukhang maikli ang buhok, nagsusuot ng malalaking damit upang hindi mapansin ang dibdib at kung anu-ano pa. Minsan nga ay ang aking lalaking kaklase ay nagsusuot ng super fit na damit na pambabae kaya ang malaki nyang katawan ay kitang kita. Namimiss ko na tuloy ang mga kalokohang ginagawa namin noon.

Sa tuwing naaalala ko ang mga alaalang ito, natatawa na lang ako nang hindi ko alam. Siguro dahil kahit magbago na ang mundo, hindi pa rin maikakaila na may mga bagay na pambabae lang at panlalaki lang, at yon ay hindi magbabago sa pananaw ng isang tao.

-Remalyn C. Basco

Advertisement

~ by Filipino group I on October 15, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.