VS. 
Tinatawag na ang panahon natin ngayon bilang 20th century. As the word said, “20th century ibig sabihin ay more on high technologies.” Maraming nababago, maraming naiimbento, marami ding nauuso at nagpapauso. Kahit na maraming nagbago sa panahon natin ngayon marami pa din naman ang hindi nagbabago. Meron pa ding araw, buwan, mga hayop at mga tao. Kahit pa umabot tayo ng 30th century ito lang ang hindi magbabago, ang mga bagay na nakamulatan na natin, na lahat ng bagay ay may kaparehas. Tiyak na meron pa ding tao, meron pa ding mga babae at lalaki.
Pantay-pantay mang ginawa ang mga tao, marami pa ding pagkakaiba, sa pisikal man o emosyonal. Simula pa noong unang panahon hanggang sa ngayon lagi nang nagkakaroon ng debate tungkol sa paniniwala sa mga babae at lalaki. Paniniwala tungkol sa kakayahan, paniniwala sa pananamit, o sa pisikal o emosyonal pa man na aspeto.
Sabi nila hindi kayang gawin ng mga babae ang mga gawaing pang lalaki. Bilang isang babae at sa paningin ng isang babae, hindi ako naniniwala dun. Meron pa din naman tayong kayang gawin na kaya din nila, diba? Hindi man tayo pwedeng maging pari dahil panlalaki lang naman talaga yun pero pwede naman tayong maging mga madre. Pantay lang naman diba? parehas lang na naglilingkod kay Lord. Hindi tayo pwedeng umihi sa likod o gilid ng poste, pero umiihi pa din naman tayo, yun nga lang sa tamang lugar. Bakit pag sinabing tricycle,ang naiisip nating driver nun lalaki agad?Bakit hindi din natin naiisip na may tricycle girl na din noh?Sa panahon natin ngayon halos lahat ginagawa na ng mga babae. Noon ang mga babae nasa bahay lang nag-aalaga ng mga anak, gumagawa ng gawaing bahay pero ngayong 20th century mayroon ng pulis, miltar,piloto,mekaniko,traffic enforcer, welder, pati nga presidenteng babae meron na din, astig diba??
Ganon din naman sa panig ng mga lalaki, meron tayong kayang gawin na hindi nila kaya, o kung kaya man nila ay ikinahihiya nila itong gawin. Kaya nga nilang maglaba pero mahihiya sila kung magiging labandero o kaya naman maging plantsadero sila. Pwede silang hindi magtrabaho at nasa bahay lang, kaso mahihiya silang tawaging house husband. Pero meron din silang nagiging propesyon na pang babae, dati ang pagluluto ay para sa mga babae lang pero ngayon marami na ang mga lalaking nagiging Chef.
Pagdating naman sa emosyon, parehas lang na emosyonal ang mga babae at lalaki:
Lalaki Babae
1. Kapag broken-hearted naglalasing, 1. Kapag broken-hearted umiiyak
nagwawala, naghahanap ng away
2. Nang-aabuso 2. Martir
3. Nangloloko 3. Nagpapaloko
4. Nagmamahal ng dalawang babae 4. Nagmamahal ng totoo
5. Agresibo 5. Pakipot
Ngayong 20th century pati ang pananamit natin ay nagbabago, marami ang nauuso, nagpapa-uso at nakiki-uso. Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay sumusunod sa uso siyempre nakakahiya kayang sabihan na baduy tayo noh! Yun nga lang merong binabagayan at meron ding hindi: hindi bagay ang damit ng babae sa lalaki, pero pwede ang damit ng lalaki para sa babae. Pero sino nga ba ang mas may advantage pagdating sa pananamit?Tayo kayang mga babae o lalaki?
Tiyak na marami ang agree na mas may advantage tayong mga girls kaysa sa mga boys. Bakit? Ang mga lalaki kasi kapag nagsuot ng girly outfit ay magmumukhang kakaiba, pano ba naming hindi magiging kakaiba kung makikita silang nakapalda, high heels, at body fit blouse with matching pink shoulder bag. Pangit tingnan diba?super weird!tiyak na magiging ganito ang reaksyon nating lahat. Dahil para sa mga babae lamang ang mga damit na ito.
Siguro nga hindi uso ang 20th century fashion dahil ang tama ay ang tamang pamamaraan ng pananamit ng bawat isa, hindi maaaring makisabay ang lalaki sa babae dahil kahit anong gawin nila ay hindi babagay at hindi din tama! Kahit na mas madalas ay pabor sa aming mga babae ang damit pang lalaki katulad ng pantalon, rubber shoes, cap or shirt hindi pa din masagwang tingnan dahil bagay naman! Kering-keri kahit super sexy outfit or sporty outfit pa.
Kahit ano pa man ang pinagtatalunan tungkol sa ating mga babae at lalaki, ang katotohanan ay hindi tayo pwedeng mabuhay na wala ang isa sa at
in. Hindi dadami ang tao sa mundo kung walang nagpaparami dito. Oo nga’t hindi kayang mabuntis at manganak ng lalaki pero hindi pwedeng mabuntis at manganak ang isang babae ng walang lalaki. Tayong lahat ay isinilang na pantay-pantay, may sariling mga kakayahan at pag-uugali na hindi natin maaring ikumpara sa iba, sa babae man yan o sa lalaki.
-=Paula Marie N. Natividad=-
Posted in Uncategorized